Stenochlaena palustris | |
---|---|
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | Plantae |
Klado: | Tracheophytes |
Dibisyon: | Polypodiophyta |
Hati: | Polypodiopsida |
Orden: | Polypodiales |
Suborden: | Aspleniineae |
Pamilya: | Blechnaceae |
Sari: | Stenochlaena |
Espesye: | S. palustris
|
Pangalang binomial | |
Stenochlaena palustris (Burm. f.) Bedd.
|
Ang Stenochlaena palustris, (Biyetnames: choại) karaniwang tinatawag bilang diliman[1] o hagnaya,[2] ay isang halamang gamot na isang espesye ng pako na nakakain. Sa medisinang pambayan ng Indya at Malaysiya, ginagamit ang dahon ng pakong ito bilang lunas sa lagnat, sakit sa balat, ulser, at sakit ng tiyan.[3][4]
Isang mahabang gumagapang na pako ang halamang ito na may itim na kaliskis at tangkay na maaring umabot sa hanggang 20 m. Nakaayos sa dalawang gilid ang dahon nito na nasa 30–100 cm ang haba, at mga tangkay na nasa 7–20 cm ang haba, at may ovate lanceolate pinnae na nasa 10–15 cm ang haba at 1.5–4.5 cm ang lapad. Mahaba at makitid ang sporophylls nito at mala-kayumanggi ang kulay ng sorus nito sa ilalim.[5]
Natagpuan ang pinaghiwalay na mga acylated flavonol glycoside mula sa pako na ito na mayroong aktibidad sa kontra bakterya.[6] Ang hinandang krudo o bahagyang purong katas mula sa pako ay nakitaan ng mayroong aktibidad pangontra-fungus,[7] antioksidante,[8] at antiglucosidase.[9]
Ipinangalan sa halamang ito ang distrito ng Diliman sa Lungsod Quezon.[10] Latin para sa "ng latian" ang palayaw o epithet na palustris, at ipinapahiwatig ang karaniwang tirahan.[11]
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)