Unyong Sobyetiko

Unyon ng mga Sobyetikong Sosyalistang Republika
  • Союз Советских Социалистических Республик (Ruso)
  • Soyuz Sovetskikh Sotsialisticheskikh Respublik
1922–1991
Pampamahalaang Sagisag (1956–1991) ng Unyong Sobyetiko
Pampamahalaang Sagisag
(1956–1991)
Salawikain: Пролетарии всех стран, соединяйтесь!
Proletarii vsekh stran, soyedinyaytes'!
"Mga proletaryo ng lahat ng bayan, magkaisa!"
Awitin: Интернационал
Internatsional (1922–1944)
"Ang Internasyunal"

Государственный гимн СССР
Gosudarstvennyy gimn SSSR (1944–1991)
"Himnong Estatal ng USSR"
Lawak ng Unyong Sobyetiko pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Lawak ng Unyong Sobyetiko pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Mosku
55°45′N 37°37′E / 55.750°N 37.617°E / 55.750; 37.617
Wikang opisyalRuso
KatawaganSobyetiko
Pamahalaan
Pinuno 
• 1922–1924
Vladimir Lenin
• 1924–1953
Iosif Stalin
• 1953
Georgiy Malenkov
• 1953–1964
Nikita Khrushchov
• 1964–1982
Leonid Brezhnev
• 1982–1984
Yuriy Andropov
• 1984–1985
Konstantin Chernenko
• 1985–1991
Mikhail Gorbachov
LehislaturaKongreso ng mga Sobyetiko
(1922–1936)
Kataas-taasang Sobyetiko
(1936–1991)
• Mataas na Kapulungan
Sobyetiko ng mga Kabansaan
(1936–1991)
Sobyetiko ng mga Republika
(1991)
• Mababang Kapulungan
Sobyetiko ng Unyon
(1936–1991)
PanahonPanahong EntregeraIkalawang Digmaang PandaigdigDigmaang Malamig
7 Nobyembre 1917
30 Disyembre 1922
• Pagtatapos ng Digmaang Sibil sa Rusya
16 Hunyo 1923
31 Enero 1924
5 Disyembre 1936
• Pakanlurang Pagpapalawak
1939–1940
1941–1945
24 Oktubre 1945
25 Pebrero 1956
9 Oktubre 1977
11 Marso 1990
19–22 Agosto 1991
8 Diysmebre 1991
26 Disyembre 1991
Lawak
• Kabuuan
22,402,200 km2 (8,649,500 mi kuw) (ika-1)
Populasyon
• Senso ng 1989
286,730,819 (ika-3)
• Densidad
12.7/km2 (32.9/mi kuw)
KDP (PLP)Pagtataya sa 1990
• Kabuuan
$2.7 trilyon (ika-2)
• Bawat kapita
$9,000
KDP (nominal)Pagtataya sa 1990
• Kabuuan
$2.7 trilyon (ika-2)
• Bawat kapita
$9,000 (ika-28)
Gini (1989)0.275
mababa
TKP (1989)0.920
napakataas
SalapiRublo ng Unyong Sobyetiko (руб) (SUR)
Sona ng oras(UTC+2 to +12)
Gilid ng pagmamanehokanan
Kodigong pantelepono+7
Kodigo sa ISO 3166SU
Internet TLD.su
Pinalitan
Pumalit
1922:
RSPS Rusya
RSS Ukranya
RSS Biyelorusya
RSPS Transkaukasya
1924:
RSS Buhara
RSS Korasmiya
1939:
Polonya (bahagi)
1940:
Pinlandiya (bahagi)
Rumanya (bahagi)
Estonya
Letonya
Litwanya
1944:
Tanu Tuba
1945:
Alemanya (bahagi)
Hapon (bahagi)
1946:
Tsekoslobakya (bahagi)
1990:
Litwanya
1991:
Heorhiya
Estonya
Letonya
Ukranya
Transnistriya
Moldabya
Kirgistan
Usbekistan
Tayikistan
Armenya
Aserbayan
Turkmenistan
Tsetsenya
Biyelorusya
Rusya
Kasakistan

Ang Unyong Sobyetiko (Ruso: Советский Союз, tr. Sovietski Soyuz), opisyal na Unyon ng mga Sobyetikong Sosyalistang Republika, at karaniwang dinadaglat na USSR, ay estadong komunista at bansang transkontinental na sumaklaw sa karamihan ng Eurasya sa panahon ng pag-iral nito mula 1922 hanggang 1991. Isang pederasyon na binuo ng 15 republika, ito ang naging pinakamalaking bansa sa buong mundo, na sumakop sa mahigit 22,402,200 km2 at labing-isang sona ng oras. Tinahanan ito ng mahigit 286.7 milyong mamamayan, at nagranggo bilang ikatlong pinakamataong estado. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ay Mosku.

Sumibol ang bansa sa Himagsikang Oktubre ng 1917, kung saan nagwagi ang mga Bolshebista sa ilalim ng pamumuno ni Vladimir Lenin sa pagbagsak ng Rusong Pamahalaang Probisyonal, na siyang nagpatalsik sa nabigong Dinastiyang Romanov ng Imperyong Ruso noong Himagsikang Pebrero. Kasunod nito ay naitatag ang Sobyetikong Republika ng Rusya, ang kauna-unahang konstitusyonal na estadong sosyalista. Humantong ang mga tunggalian sa loob ng estado sa Digmaang Sibil ng Rusya, kung saan kinalaban ng Hukbong Pula ang mga kaaway nito tulad ng Hukbong Lunti, mga kaliwang sosyal-rebolusyonaryo, mga anarkista ng Makhnovstsina, at partikular na ang Kilusang Puti, ang pinakamalaking paksyon sa laban na sinupil ang mga Bolshebista at mga tagasuporta nila sa Puting Sindak. Sinalungat ito ng Pulang Sindak, kung saan sinugpo ng mga pula ang mga kalaban at tumutol sa kanila sa panahon ng digmaan. Nagtagumpay sila noong 1922, na nagdulot sa pag-iisa ng mga republika ng Rusya, Ukranya, Biyelorusya, at Transkawkasya.

Kasunod ng pagkamatay ni Lenin noong 1924, nagkaroon ng pakikibaka para sa kapangyarihan, na naipanalo ni Iosif Stalin. Inabandona niya ang Bagong Patakarang Pang-ekonomiya ni Lenin noong 1928 at pinalitan ito ng isang ekonomiyang sentralisado. Dumanas ang bansa ng malawakang industriyalisasyon at sapilitang kolektibisasyon, na nagdulot ng makabuluhang pang-ekonomiyang pag-unlad ngunit humantong sa taggutom noong 1930 hanggang 1933. Sa panahong ito ay pinalawak ni Stalin ang Gulag, ang sistema ng kampong paggawa ng unyon. Isinagawa rin niya ang Dakilang Purga noong 1936 hanggang 1938, kung saan tinanggal niya ang kanyang mga aktuwal at inakalang kalaban sa Partido Komunista sa pamamagitan ng malawakang pag-aresto sa mga pampolitikang opisyal, sundalo, at karaniwang mamamayan. Lahat sila'y ibinilanggo sa mga kampong paggawa o sinentensiyahan ng kamatayan. Sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig kasunod ng pagsalakay ng Alemanyang Nasi sa Polonya, sinakop ng pormal na walang pinapanigang Unyong Sobyetiko ang mga teritoryo ng ilang estado sa Silangang Europa, kabilang ang mga silangang rehiyon ng Polonya, Litwanya, Letonya, at Estonya. Sinira ng Alemanya noong Hunyo 1941 ang Pakto ng Molotov-Ribbentrop, ang pakto ng walang pagsasalakayan ng dalawang bansa, nang nilunsad nito ang Operasyong Barbarossa kung saan nakita ang malawakang pagsakop ng kapangyarihang Aksis sa Unyong Sobyetiko. Binuksan nito ang Silangang Hanay sa labanan. Sa kabila ng unang tagumpay ng mga Aksis sa digmaan, naibaligtad ito ng mga Sobyetiko sa Labanan ng Stalingrado at sa kalaunan ay nakuha nila ang Berlin. Pagkatapos ay nagdeklara sila ng tagumpay laban sa Alemanya noong 9 Mayo 1945. Tinatayang 27 milyong katao ang pinagsamang bilang ng mga nasawi na Sobyetikong sibilyan at militar sa tagal ng gera, na nagbilang para sa karamihan ng mga pagkalugi sa panig ng mga puwersang Alyado. Kasunod ng digma ay bumuo ang mga Sobyetiko ng mga estadong satelite sa mga teritoryong nakuha ng Hukbong Pula sa ilalim ng Silangang Bloke. Hinudyat nito ang simula ng Digmaang Malamig, kung saan hinarap ng kanilang bloke ang katapat nitong Kanlurang Bloke noong 1947. Nagkaisa ang kanluran noong 1949 sa ilalim ng Organisasyon ng Tratado ng Hilagang Atlantiko habang nagsama-sama ang silangan noong 1955 sa Pakto ng Varsovia.

Pagkatapos ng pagkamatay ni Stalin noong 1953 ay nagkaroon ulit ng pakikibaka para sa kapangyarihan na naiwagi ni Nikita Kruschov. Kasunod nito ay tinuligsa niya ang kulto ng personalidad ni Stalin, at nangasiwa sa panahon ng DeseStalinisasyon na naging pambungad sa panahon ng Pagtunaw ng Kruschov. Maagang nanguna ang mga Sobyetiko sa Karerang Pangkalawakan sa paggawa ng unang sateliteng artipisyal (Sputnik I), pangkalawakang paglipad (Vostok I), at sondang dumaong sa ibang planeta (Venera 7 sa Benus). Noong kalagitnaan ng dekada 1980 ay naghangad ang huling pinuno ng bansa na si Mikhail Gorbachov ng higit pang reporma at pagliberalisa ng ekonomiya sa pamamagitan ng kanyang mga patakaran na glasnost at perestroika, na may layuning ipanatili ang pamumuno ng partido komunista habang ibaligtad ang Panahon ng Pagwawalang-kilos. Sa mga huling yugto ng Digmaang Malamig ay naganap ang mga himagsikan ng 1989 na nagpabagsak sa mga pamahalaang Marxista–Leninista ng iba't-ibang bansa sa Pakto ng Varsovia, na sinamahan ng pagsiklab ng malawakang pagkakagulo sa unyon. Pinasimulan ni Gorbachov noong 1991 ang isang pambansang reperendum na binoikot ng mga republika ng Litwanya, Letonya, Estonya, Armenya, Heorhiya, at Moldabya na nagresulta sa pagboto ng mayorya ng mga kalahok bilang pabor sa pagpapanatili ng bansa bilang isang panibagong pederasyon. Sa Agosto ng parehong taon ay nagsagawa ng kudeta ang mga kasaping mahigpit ng partido kay Gorbachov. Gumanap ng mahalagang papel si Boris Yeltsin sa pagharap sa kaguluhan, at sa kalaunan ay nabigo ang pagtangka at ipinagbawal ang partido komunista. Pormal na nagdeklara ng kasarinlan ang mga republikang Sobyetiko na pinamunuan ng Rusya at Ukranya. Nagbitiw si Gorbachov sa pagkapangulo noong 25 Disyembre 1991 at kasunod na nabuwag ang Unyong Sobyetiko. Inako ng Pederasyong Ruso ang mga karapatan at obligasyon ng Unyong Sobyetiko at mula noo'y kinilala bilang de factong kahalili ng estado.

Sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig hanggang sa pagkabuwag nito ay naging isa ang Unyong Sobyetiko sa dalawang pinakamakapangyarihang bansa, kasama ang Estados Unidos na parehong nangibabaw sa pandaigdigang ahendang pang-ekonomiya, ugyanang dayuhan, operasyong militar, pagpapalitang pangkalinangan, makaagham na pag-unlad, pangkalawakang paggalugad, at palakasan sa Palarong Olimpiko. Naging modelong sanggunian ang unyon para sa mga kilusang manghihimagsik at estadong sosyalista. Binuo ang militar nito ng Sobyetikong Sandatahang Lakas, na siyang naging pinakamalaking nakatayong militar. Tinaglay ng estado ang pinakamalaking arsenal ng mga sandatang nukleyar gayundin ang ikalawang pinamalaking ekonomiya sa mundo. Naging kasaping tagapagtatag ito ng Nasyones Unidas at kasaping permanente ng Konsehong Pangkatiwasayan nito, nangunang miyembro ng Konseho ng Ayudang Mutuwang Ekonomiko (KAME/CAME), at bahagi ng Organisasyon para sa Katiwasayan at Kooperasyon sa Europa (OKKE/OSCE) at Pandaigdigang Pederasyong Sindikal. Umiba ang mga limitasyong heograpiko ng bansa sa paglipas ng panahon, ngunit pagkatapos ng pagsanib ng mga republikang Baltiko, silangang Polonya, Besarabya, at ilang pang teritoryo ay halos tumugma ang lawak nito sa dating Imperyong Ruso, binibigyang-pansing pagbubukod ng Polonya, karamihan sa Pinlandiya, at Alaska, samakatuwid sumaklaw ng higit isang-ikapitong bahagi ng kaibabawan ng Daigdig.


Developed by StudentB