Ang vāticinium ex ēventū(Klasikong Latin: [wäːt̪ɪˈkɪnɪ.ʊ̃ˑ ɛks eːˈwɛn̪t̪uː], "hula o propesiya mula sa pangyayari") o post eventum ("pagkatapos ng pangyayari") ay isang katagang teknikal na pang-teolohiya at historiyagrapiya na tumtukoy sa propesiya o hula na isinulat pagkatapos na ang may akda nito ay may kaalaman na sa mga pangyayaring kanyang sinasabing mangyayari. Ang hulang ito ay isinulat upang lumitaw na ang hula ay nangyari na bago pa ang aktuwal na kaganapan ngunit sa katotohanan, ang hula ay isinulat pagkatapos na ang pangyayari ay nangyari na. Ito ay isang pagkiling sa pagkaunawa sa pangyayaring nangyari na(hindsight bias). Ito ay katulad ng postdiction.