Wayback Machine

Wayback Machine
Uri ng sayt
Arkibo
Nagagamit saBuong mundo (maliban sa Tsina at Bahrain)
May-ariInternet Archive
URLweb.archive.org
PagrehistroOpsyonal
Nilunsad12 Mayo 1996 (1996-05-12) (pribado)
24 Oktubre 2001 (2001-10-24) (binuksan sa publiko)
Kasalukuyang kalagayanAktibo
Sinulat saJava, Python

Ang Wayback Machine ay isang digital na arkibo ng World Wide Web na itinatag ng Internet Archive, isang samahang hindi pangkalakalan na nakabase sa San Francisco, California. Nilikha noong 1996 at inilunsad sa publiko noong 2001, pinapayagan nito ang tagagamit na pumunta "pabalik sa oras" at makita kung paano tumingin ang mga pahinarya sa kanilang mga nakaraang estado. Ang mga tagapagtatag nito, sina Brewster Kahle at Bruce Gilliat, ay bumuo ng Wayback Machine upang magbigay ng "unibersal na pag-access sa lahat ng kaalaman" sa pamamagitan ng pagpapanatili ng mga naka-arkibong na mga kopya ng mga pahinang web na hindi na gumagana.

Inilunsad noong Mayo 12, 1996, ang Wayback Machine ay may higit sa 38.2 milyong mga tala sa katapusan ng 2009. Higit sa isang milyong mga pahinang web ang idinagdag araw-araw.

Noong 1996, si Brewster Kahle, tagapagtatag ng Internet Archive, at Bruce Gilliat, isang graduate student sa Massachusetts Institute of Technology (MIT), ay bumuo ng Wayback Machine bilang isang kasangkapan para sa paglikha ng isang pangkalahatang digital na aklatan, na sumusuporta sa misyon ng Internet Archive ng unibersal na pag-access sa lahat ng kaalaman.


Developed by StudentB