Arabo | |
---|---|
العربية | |
Bigkas | /alˌʕaraˈbijja/ |
Rehiyon | Karaniwan sa mga estadong Arabo ng Gitnang Silangan at ng Hilagang Aprika wikang pang-liturhiko ng Islam. |
Mga natibong tagapagsalita | Higit-kumulang 280 milyong katutubong mananalita[1] at 250 milyong nagwiwikang hindi katutubo[2]. |
Alpabetong Arabo, Alpabetong Siryako (Garshuni), Eskritong Bengali [1] [2] | |
Opisyal na katayuan | |
Opisyal na wika ng 25 bansa, ang ikatalong pinakamarami sunod sa Ingles at Pranses[3] | |
Pinapamahalaan ng | Syria: Arab Academy of Damascus (the oldest) Egypt: Academy of the Arabic Language in Cairo |
Mga kodigong pangwika | |
ISO 639-1 | ar |
ISO 639-2 | ara |
Mapa ng mundong gumagamit ng Arabe. Luntian: Tanging opisyal na wika. Bughaw: Kasamang opisyal na wika. |
Ang Arabo (Arabo: العربية, al-'arabiyyah) ang pinakamalaking kasapi ng sangay Semitiko ng pamilya ng mga wikang Aproasyatiko at malapit na kamag-anak ng Ebreo at Arameo. Sinasalita ito sa buong daigdig Arabo at malawakang inaaral at naaalam sa buong daigdig Muslim. Ang Arabo ay isang wikang pampanitikan mula pa noong mga ika-6 dantaon at ang wikang panliturhiya ng Islam.
Sa katotohanan, wala talagang nagsasalita ng pamantayang Arabo (اللغة العربية الفصحى, al-luġatu-l-ʿarabīyatu-l-fuṣḥā, “ang pinaka-elokwenteng wikang Arabo”) bilang wikang pang-araw-araw; limitado lamang ang ganong gamit sa mga pormal na okasyon. Sa halip, sinasalita ng mga Arabo ang iba’t ibang diyalekto nito ngunit madalang na magkaunawaan ang mga tagapagsalita ng dalawang magkakaibang diyalekto; sa mga ganitong kaso, ang pamantayang wikang Arabo ang ginagamit.
Nagmula rin sa wikang Arabo ang Maltes, na nagkakaloob ng malaking bilang ng mga salita mula sa Italyano at Ingles.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)