Latin | |
---|---|
Latina | |
Bigkas | /laˈtiːna/ |
Katutubo sa | Kanlurang Mediteraneo |
Mga natibong tagapagsalita | Katutubo: wala Pangalawang wika: nasa 5,000 Pangalawang wikang nasusulat: nasa 25,000 |
Alpabetong Latin | |
Opisyal na katayuan | |
Lungsod ng Vaticano | |
Pinapamahalaan ng | Opus Fundatum Latinitas (Simbahang Katoliko) |
Mga kodigong pangwika | |
ISO 639-1 | la |
ISO 639-2 | lat |
ISO 639-3 | lat |
Ang Latin (lingua Latīna [ˈlɪŋɡʷa laˈtiːna] o Latīnum [laˈtiːnʊ̃]) ay isang wikang Indo-Europeo na unang sinalita sa Latium na katawagan sa lupain sa palibot ng Roma. Mahalaga ang ginampanan ng Latin bilang pangunahing wika ng Imperio Romano. Ito rin ang pinanggalingan ng lahat ng mga wikang Romanse kagaya ng (mula kanluran hanggang silangan) Portuges, Espanyol, Katalan, Pranses, Italyano, at Rumano. Makikita rin sa talasalitaan ng iba pang mga pangkasalukuyang wika kagaya ng Ingles (malimit dahil sa Pranses) at mga wika ng Pilipinas (dahil naman sa Kastila) ang maraming salitang hango sa Latin.
Ang alfabetong Latin ay hango sa sinaunang alfabetong Italico na siya namang hango sa alfabetong Griego; ito pa rin ang pinakaginagamit na alfabeto sa buong daigdig. Ginamit din ang Latin sa Kanluran sa loob ng mahigit 1000 taon bilang lingguwa prangka o wikang pantalastasan at para na rin sa panitikan sa agham at politika. Napalitan naman ito ng Pranses noong ika-18 siglo at ng Ingles noong ika-19 na siglo.
Sa kasalukuyan, ginagamit pa rin ang Latin sa pagsasauri ng mga nilalang, pagngangalan ng mga larangan at iba pang mga bagay na inaaral sa agham nang naaayon sa Kanluraning kagawian. Samantalang ang Lating Pamsimbahan (Latina Ecclesiastica) pa rin ang formal na wika ng Simbahang Katoliko at pangunahing wika ng Lungsod ng Vatikano. Ginamit ng Simbahan ang Latin bilang banal na wika magpahanggang Ikalawang Kapulungang Vatikano noong decada 1960.