Ang Pranses (Pranses: français; Ingles: French) ay isang wika na nagmula sa Pransiya. Noong 1999, ito ang wikang may ika-11 pinakamalaking bilang ng mga tagapagsalita sa buong daigdig, sinasalita ng higit-kumulang na 77 milyong tao bilang inang wika, at 128 milyon na kinabibilangan ng mga tao na tinatanggap ito bilang pangalawang wika. Ito ang opisyal o pampangasiwaang wika sa iba’t ibang komunidad o samahán (katulad ng Unyong Europeo, International Olympic Committee, Mga Nagkakaisang Bansa, at Universal Postal Union). Ang mga mananalita ng wikang Pranses ay tinatawag ding Francophone sa mga wikang Ingles at Pranses.