Dinodokumento ng pahinang ito ang isang gabay sa Wikipediang Tagalog. Tinatanggap ito bilang isang pangkalahatang pangkat ng mga pinakamainam na kasanayan na dapat sundin ng mga patnugot, bagaman, pinakamabuti na itrato ito na may sentido komun, at maaring ilapat ang paminsan-minsang eksepsyon. Kailangang sumalamin ang kahit anumang matibay na pagbabago sa pahinang ito ang isang konsenso. Kapag may duda, pag-usapan muna sa pahina ng usapan. |
Ang usbong (o stub) ay isang napakaikling artikulo, karaniwang isang talata lamang o mas maliit pa na nangangailangan ng atensiyon mula sa mga tagapag-ambag ng Wikipedia. Nilikha sila ngunit hindi pa sapat ang impormasyon upang maging isang totoong artikulong maituturing. Naniniwala ang komunidad na sa kung bibigyan lamang ng atensiyon ay makokompleto at magiging makabuluhan ang mga stub o usbong. Ito ang unang hakbang upang maging kompletong artikulo ang isang paksa o topic na makatutulong sa pagpapalawak ng nilalaman ng Wikipedia, ang Malayang Ensiklopedya.